Thursday, August 31, 2006

Late

Nakuha na sweldo. Laki kaltas ko. Dami kasi late. 5 hours. Waaah. Offset lang ng OT. Buti na lang. Abot pa kay mommy. Bili pa ng load. Bili pa supplements. Baka pantalon pa. Tira allowance. Saka pang-gatas. Konti na lang. Nakakainis. Tagal pa kasunod. 11 days. 2 weekend. Tagal nun. Baka kapusin. Wag naman. Extra tipid. Iwas gastos. Menos lunchout. Kailangan na. Yoko ma-bankrupt. Kaya watch out. Hinay sa pera. Baka walang matira.

Puyat

Umaga na naman. Maganda ang simula. Kulang lang sa tulog. Pero pwede na rin. Mainit ulit. Hindi umuulan. Nakakainis sa gabi. Pahirapan sa pagtulog. Buti at nakatulog. Kasi nakakasira ng araw. Baka bugnutin ako. Kaya Ok lang umaga. Medyo mainit pa rin. Ayoko nun. Wala pa ring sweldo. Baka mamaya pa. Sana nga. Dapat nga. Kasi bibili ako. Pantalon. Supplements. At iba pa. Hay! Gastos ulit. Ubusan na naman. Ayoko nun. Sana makaipon na. Hirap ako. Magastos kasi. Kailangang magtipid. Hinay na muna.

Wednesday, August 30, 2006

Pahinga

August 30. May suweldo na kaya? Sana meron na. Ok lang. Kahit wala pa. May pera pa. Kaya pa. Makakaraos pa. Di naman nagmamadali. Wala pa ring projects. Relax pa rin. Baka may dumating. Ganun talaga. Off-peak kasi. Wala gaano ngayon. Kaya heto. Blog. Chat. Surf. Music. Enjoy the moment. Nothing to rush. Nothing to think. Just plain relaxation. Hindi lahat nakakaranas. Minsan lang din. Pahinga sa stress. Pahinga sa gulo. Ok ba?

Tuesday, August 29, 2006

Glorye

Hapon na. Malapit ng mag-uwian. Gagala pa mamaya. Punta kaming Glorye. Wala lang. Lakad-lakad lang. Kwentuhan. Mga kahornihan. Mga buhay-buhay. Kung anu-anong mapag-uusapan. Lovelife. Trabaho. Pagkain. Kaopisina. Sex. Projects. Damit. Libro. Pelikula. Sex. Music. Computer. Events. Sex. Yun lang naman. Pero ayaw ko gumastos. Sana may manglibre. Yung bagong sweldo. Huwag sanang magkuripot. Dami taong kuripot. Di ba?

Yaman

Umaga na naman. Walang magawa. Wala pang projects. Kaya heto. Blog muna. Ano nga ba isusulat? Wala akong maisip. Late ako kanina. Birthday ni Ana. Ka-chat ko Tuneng. Kulit ulit niya. As usual. Tahimik ang araw. Walang magulo. Isip ko lang. Di ko alam. Ayaw tumigil. Isip ng isip. Ganun ba talaga? Kaya madalas overloaded. Pagyaman. Lagi kong iniisip. Manalo sa lotto. Pasok sa showbiz. Pagbutihin ang karir. Hay! ST na lang. Sipag at tiyaga. Yun na lang. Gawin lahat ng kaya. May panahon din. Darating din yun. Huwag lang umasa. Kumilos din. Ganun naman talaga. Tiyaga na lang. At magsumikap. Solusyon sa pagyaman. At pag-unlad.

Monday, August 28, 2006

Available

Ngayon ay Lunes. Trabaho ulit. Wala kasing declaration. Lintik na Gloria. Gusto ko pang matulog. Gusto kong magbakasyon. Tiyaga na muna. Lapit na sweldo. Sa Wednesday na. Malaki sana ang makuha. Anyway. Bagong gupit pala ako. Kahapon kay mommy. Fresh ang dating. Gwapung-gwapo pa. Shocks! Crush ng bayan ulit. Hearthrob na naman! Sana may mainlove na. Single pa rin kasi. Kung sinuman dyan. Available po ako.

Saturday, August 26, 2006

Chickenjoy

Sabado. Pinapasok ako. OK lang. Nakalibre chickenjoy. Busog ulit. OT pay pa ito. Saya! Tapos naman na. Send na lang. Pauwi na rin. Sulit din. Ayaw ng gumala. Gusto kong magpahinga. Padagdag pa friendster. Mga dating kaibigan. Dagdag ko. Dami ko nakita. Ang saya! Sana naalala nila. Nakalimuta na ako. Sana magkita ulit. Dapat yung marami. Para masaya. Kahit kamustahan lang. O kaya inuman. Kailan kaya? Sana malapit na.

Friday, August 25, 2006

Tiyan

Almost 12am na. Antok na rin. Gusto ng matulog. Kaso internet muna. Minsan lang. Laki tyan ko. Sabi ng dad ko. Sabi din ng friends. Laki ba talaga. Hindi naman yata. Bulging lang talaga. Abs yan. Di yan taba. Di pa ko nagka-cardio. Papa-mass muna. Para lumaki. Bago cuts. Bago korte. Di kasi nila alam. Hirap magpalaki. Chubby naman ako. Noong bata ako. Di naman nawala. Lalo na tyan ko. Pati love handles. Andyan talaga. Pagbigyan naman ako. Lumalaki. Huwag namang tumataba. Wait niyo lang. Baka maglaway kayo. Pagnasaan pa ako.

Abs

Friday na ulit. Bukas sabado. Ngayon sakit abs. Di pa rin nawawala. Skip muna workout. Sana mawala na. Para tuloy pa rin. Di ako makatayo. Hirap pa rin. Parusa ba. Gutom na ako. Saan kaya lunch? Wag daw rice. Hmm. Baka jollibee. Gastos na naman. Wala rin kasing barya. Buo pera ko. Taas mga calories. Yung tama lang dapat. Huwag sosobra. Baka lumobo tyan. Yoko nun. Sige na. Tumunog na. Kain muna kami.

Thursday, August 24, 2006

Relax

Dami pa ring iniisip. Nalilito. Naguguluhan. Pero relaxed naman. Di masyadong busy. Naglilibang lang. Surf sa internet. Basa ng articles. Nood ng clips. Download ng MP3. Pahinga muna. Wala pang trabaho. Di pa hectic. OK lang yun. Minsan lang naman. Walang magandang palabas. Nakakainis. Grocery na lang. Kaso sakit abs. Sit-ups kasi. Yoko lumaki tyan. Dapat tama lang. O kaya pang-model. Di ako makatayo. Di makalakad ng maayos. Para akong problemado. Ok lang. Worth the benefits. Malapit na uwian. Good luck. Punta pa ko Ayala. Mamimili nga. Sige na. Bukas ulit.

Artist

Magulo ang isip. Maraming nilalaman. Minsan ayoko na. Pero kailangan. Hindi ko alam. Di ko maintindihan. Maraming bagay. Laging pumapasok. Iba-iba. Ideas. Experiences. Dreams. Visions. Perspectives. Work. Halu-halo na. Nakakalito na madalas. Di alam ang uunahin. Mga impormasyon. Ayaw tumigil. Nakakapagod na rin. Tulog lang ang pahinga. Masakit sa ulo. Napupuno na yata. Ganyan talaga. Creative kasi. Heto ang puhunan. Heto ang binabayaran. Mga ideyang kakaiba. Di nagagawa ninuman. Kaya niyo ba? Kaya siguro. Maniwala lang. Yun nga lang. Para kang timang. Sasakit ang ulo mo. Lagi kang mag-iisip. Kailangan kakaiba. Kailangan bago. Hindi madali. Sa mundo ng creative. Mahirap maging artist. Anumang larangan. Music. Visual Arts. Literature. Cinema. Hindi yan madali. Di dapat minamaliit. Ganyan kami. Mga artists kakaiba. Weirdo madalas. Hindi maunawaan. Pero OK lang. Expression namin yan. Walang pakialamanan.

Wednesday, August 23, 2006

Isip

Oh yes. Another day ulit. Ok na ko. Masaya na yata. Wala naman bago. Pero ok na rin. Dami pa gagawin. Di na makapag-isip. Blangko na! Teka pahinga muna... Ayan. Meron na ulit. Kaso magulo. Nababaliw na yata ako. Sure ba ako? Di pa yata. Isip muna. Maya na blog.

Tuesday, August 22, 2006

Umaga

May pasok na. Nagising ng maaga. Pero late pa rin. Ok lang. Wala namang deadline. Walang NU. Nakakainis. Yun kasi trip ko. Nakakainis. MP3 na nga lang. Kahit kakasawa. Ok na yun. Kakatapos lang mag-brunch. Maja Blanca. Yun lang ang mabili. Wala namang iba. May sipon pa rin. Pero pawala na. Sana nga. Nakakairita na rin. Sige, mamaya ulit.

Monday, August 21, 2006

Ninoy Aquino Day

Ninoy Aquino Day. Walang pasok. Maulan. Sarap matulog. Kaso ayaw ko. Gym ako mamaya. Laro pa ako Syberia. Ang hirap. Napapaisip ako ng husto. Mentally challenging ang laro. Kailangan minsan mandaya. Pero masaya naman. Ano kaya makain. Eat muna ako. Next time na blog. Pahinga muna. Tapos gym mamaya. Sige na. Sa susunod ulit.

Saturday, August 19, 2006

Reunion

Hapon na naman. Di pa nakaligo. Mabaho na ako. Mamaya na maligo. Blog na muna. Bakit ba? Walang pakialamanan. Buhay ko 'to. Ganda rin music. Kahit OPM. Di naman baduy. Tama lang sa hapon. Wala na ring CD. Di na makapag-burn. Alis kaya ako. May "reunion" kasi. Mga college friends. Dun kina Cris. Tinatamad yata ako. Pag-isipan ko. Pagkatapos ng blog ko. Masaya din kasi yun. Kaso na-badtrip kasi ako. Sige pag-isipan muna. Like ko music. Paramita, yung Hiling. Nagmerienda na rin. Lucky Me. Ok lang. Di ako busog. Tama lang. Beef nga ulit. Fave dito sa bahay. Init na naman. Baka uulan. Absorb lahat ng humidity. Amoy-pawis na. Wala pang deodorant. Pero di naman maasim. Paano kaya? Pupunta ba ako? Ewan ko. Bahala na.

Friday, August 18, 2006

Le Couer

Kliyenteng maligalig. Revisions inuulit. Nakakahilo. Nakakalito. Nakakapagod. Nakakainis. Ok na eh. Pinaulit pa. Makulit talaga. Anu ba? Di pa sawa? Maawa ka. Buti na lang. Meryenda masarap. Le Couer. Buy 1 take 1. Sulit ang hapon. Kahit kliyente makulit. Busog na ulit. Namnam bawat saglit. Kalat nga lang. French bread kasi. Meryenda pa mamaya. Sana masarap. O kaya kakaiba. Exotic pwede na! Kahit sawa pa. Ok di ba? Hindi ba? Ah basta... Basta meryenda. Mabubusog ulit. Sulit sa bituka. Protein din yun. Kahit Carbs pa. Basta busog. Kalimutan na. Kliyenteng maligalig. Mamaya na magpasa. Hindi pala. Papadala na. Save ko na. Tagal naman. Yan na. Di pa rin. Bagal naman. Laki kasi. Mali pa. Syet talaga! Ok na ulit. Tapos na. Burn na lang. Lapit na. Uwian na mamaya. Bili pa gatas. Sa WalterMart. Gala pa kaya? Wag na lang. Uwi na lang. Tipid pa.

Panimulang pagbati

Gumising sa umaga. Magpakawala ng magandang ngiti. Simulan na ang araw. Bagong simula. Hindi pala. Pareho lang ng dati. Walang maisip. Blangkong utak. Kailangang magkalaman. Trabaho'y sinimulan. Matapos na ang araw. Gustong magpahinga. Ayoko ng ganito. Paulit-ulit na lang. Repeat-repeat. Replay lahat... Tama na 'to. Sumasakit ang ulo. Pero isip pa. English? Tagalog? O taglish? Obscene? o wholesome? Profane? o mild? Ano ba!? Tama na! Pero sige pa. Konting takbo na lang. May kwento? o talaan lang? Hibang na ako. Hindi naman. Timang lang. Lagi na lang. Suko na ako. Ayoko na talaga. Tama na! Sa susunod na lang.