Wednesday, September 27, 2006

Porkchop

Tapos na mag-lunch. Porkchop. Bitin. Konti lang laman. Ewan ko ba. Nabawasan yata. Pina-chop ko kasi. Nagmukhang konti. Baka maliit talaga. Hindi ako masaya. Hindi ako nabusog. Gusto ko pa. Bawi na lang maya. Masarap na meryenda. Kung anuman yun.

Tuesday, September 26, 2006

Uwian

Uwian na. Wala gaanong projects. Tapos na ang araw. Pahinga sa bahay. Baka maglaro. Meryenda muna. Hindi ko alam. Bahala na. Basta sa pag-uwi. Walang maisip. Blangko talaga. Buti na lang. Antok pa ako. Ayos lang ako. Pauwi na.

Balik

New day. Tuesday. Lapit na suweldo. Yey. Ano kaya magawa? May project pa. Revisions lang. Konti lang. Blog muna saglit. Konti lang. Walang maisip. Blangko ulit. Project na lang. Mamaya na lang. Balik ako.

Monday, September 25, 2006

Sumpa

Iniisip pa rin. Nakakainis. Bakit kasi? Hayup na mandurukot. Sumpain sana. Gusto kong patayin. Basura sa mundo. Mga walang kwentang nilalang. Nakakagigil. Graaah! Ayoko ng isipin. Ayaw talaga. Laki rin kasi. Buwisit! Syet! Mamatay na siya. Yung mabagal at masakit. Tama na! Stop na!

Sunday, September 24, 2006

Dukut

Kahapon. Sabado. Galing sa kasal. Pauwi na. Jeep sa MoA. Nadukutan ako. 1k ang laman. Syet! Hayup naman! Sumpain siya. Dumating sa bahay. Nagpalit ng damit. Tumingin sa kama. Syet! May suka ng pusa. Grabe naman! Bad day talaga. Syit Happens!

Friday, September 22, 2006

Weekend

Friday na. Weekends na naman. Hay sarap. Pahinga ulit. Kaso may lakad. Birthday at kasal. Masaya ito. Inuman galore. Huwag sanang mainit. Ayokong mag-commute. Yung tama lang. Hindi maulan. Nakakainis ang init. Nakakainis ang ulan. Mahangin ok lang. Bahala na. Basta dapat mapuntahan. Di dapat mapalagpas.

Thursday, September 21, 2006

OT

Gabi na ulit. Nag-overtime kanina. Maaga pa rin. Natapos ng mabilis. Magaling kasi ako. Busy maghapon. Wala gaanong chat. Wala gaanong surf. Work lang talaga. Kailangang matapos. Para di maghahabol. Ganun talaga. Kailangang magpayaman. Maaga dapat bukas. Di na dapat late.

Wednesday, September 20, 2006

Lunchout 2

Umaga na naman. Tapos na project. Medyo relaks. Baka lunchout ulit. Gastos na naman. Hay! Wala akong kasabay. Mag-isa ulit. Sanay na ko. Saan kaya? Jollibee? Chowking? Red Ribbon? Konti kasi sa WM. Nakakainis. Walang kwenta. Basura. MCS kaya. Mainit. Malayu-layo. Nakakatamad. Saan kaya?

Tuesday, September 19, 2006

Tulog

Gabi na. Nasa bahay. Heto nagba-blog. Mamaya akyat na. Sleep na. Kailangang magrelaks. Bagong araw bukas. Puno dapat ng energy. Maging mahimbing sana. Malamig sana. Maging mahimbing dapat. Saka malalim. Magandang panaginip sana. Antok na ko!

Malamig

Hay! May aircon na. Malamig na ulit. Coolness. Di na malagkit. Di na mainit. Ok na ko. Di sumasakit ang ulo. Ayos na trabaho. Komportable na ulit. Relaks na. Hay! Sarap ng lamig. Ayos ang klima. Kahit sa opis lang. Mainit sa labas. Malamig dito sa loob.

Monday, September 18, 2006

Bagong Lipat

Bagong office. Bagong lipat. Same building. Maliit. Magulo pa. Mainit. Wala pang aircon. Madumi pa. Ang sikip. Di kami makakilos. Parang sardinas. Siksik. Sana maayos na. Para makahinga na. Maalikabok pa. Daming kalat. Mag-aayos pa mamaya. Hay! Sana matapos na.

Sunday, September 17, 2006

Mainit

Ang init! Sobra. Basa na ng pawis. Kahit aircon na. Bakit kaya? Abnormal na panahon. Dito ako Netopia. Sa may Harrison. Bumili ng supplements. Ayaw pang umuwi. Bili pa ng damit. Patuyo lang damit. Grabe sa pawis. Nagtaxi na nga ako. Ganun din. Buwisit na init! Syet Sobrang Inet. Abot Singet!

Saturday, September 16, 2006

Buwisit

Hay pahinga! Sarap. Bahay lang. Higa. Upo. Nood ng TV. Konting internet. Konting blog. Saya! Pasenyorito lang. Relax ang buhay. Pero nakakainis. Yung nilalaro ko. Hindi matapos. Ang hirap. Laging namamatay. Buwisit. Ok lang. Laro lang naman. Di dapat mapikon. Smile lang.

Friday, September 15, 2006

Walang Tulog

Wala pang tulog. Maagang pinapasok. Ngayon inaantok. Skip workout tuloy. Ok lang. Good mood naman. Di naman sira. Antok lang talaga. Tulog ng maaga dapat. Mamaya pag-uwi. Bukas na workout. Di pwede ngayon. Pagod. Baka ma-injury lang. Blog muna. Friendster. Trabaho. Yun na lang.

Thursday, September 14, 2006

Tiis

Yey! Bukas na sweldo. Konti na lang pera. May mga gastos pa. Bili pa mamaya. Wah! Nakakainis. Sana mayaman kami. Sana manalo sa lotto. Gusto kong yumaman! Paano ba? Mag-ipon? Magtrabaho? Magsumikap? Kailan pa? Nakakainip na minsan. Nakakapagod. Pero kailangang magtiis. Di pa panahon. Tiis lang. Darating din yun.

Wednesday, September 13, 2006

Maaga

Late ulit. Pero di na sobra. Konti na lang. Maaga-aga kaunti. Ako pa lang mag-isa. Wala pang kasama. Wala pa ring ginagawa. Surf na muna. Check ng email. Bahala na. Magpalipas ng oras. Para di tamarin. Di ko akala. May nagbabasa pala. Akala ko wala. Wala pang comments. Sana meron. Nakakatuwa.

Tuesday, September 12, 2006

Antok

Tanghali na. Wala pang ginagawa. Maluwag ulit. Masaya ba? Hindi rin. Medyo nababagot na. Pero tiis lang. May dadating din. Konting pasensya. Patience is a virtue. Inaantok tuloy. Mabigat ang mata. Unat muna. Kape kaya. Ayoko. Surf na lang. Baka may trailers. Aliwin ang sarili. Nakakatamad lang. Off-peak pa. Ganito talaga. Next month tambak na. Sure yun!

Lunchout?

Nag-brunch na. Milky knots. Mamaya lunch na. Saan kaya? Baka solo ulit. Huwag sana. Gastos ulit. Baka lunchout. Ayoko. Napapagastos lalo. Malungkot din mag-isa. Ayoko sa kantin. Lalo kapag solo. Awkward. Di ko feel. Kaya labas na lang. Sana may dumating. Para may ka-lunch.

Monday, September 11, 2006

Tiis

Another Monday. Another work week. Sa Friday sweldo. Yey! Malapit na. Excited na ko. May pera ulit. Konting tiis. Hintay na lang. Sana malaki. Kahit konti. Ayoko magpa-late. Ayoko ng kaltas. Gising ng maaga. Kilos ng mabilis. Di na pahuhuli. Magsisipag na ako. Sana matupad ko!

Saturday, September 09, 2006

Cable

Nakakainis. Walang cable. Kangina pa. Entourage pa naman. Blog muna. Internet. Sound tripping. Walang magawa. Heto lang. Bagal nga lang connection. Dial-up lang. Grrr! Naiinis ako. Gusto kong manood! Wala namang palabas. Wait ko kasi Entourage. Ganda pa episode. Sa Monday na lang. May replay naman. Mag-net na lang. Saka blog.

Panahon

Makulimlim. Hindi pa naulan. Baka mamaya konti. Humid tuloy. Baliw ang panahon. Nasisiraan na. Nahihibang na. Parang ako rin. Hindi maunawaan. May mood swings. Minsan maaraw. Minsan umuulan. Ngayon mainit. Mamaya uulan na. Ano ba? Pwede ba? Naguguluhan kami. Kailan ba titino? Umayos ka naman!

Friday, September 08, 2006

Ulan

Kagabi. Lakas ng ulan. Grabe. Baha ulit. Kaya WM muna. Red Ribbon. Meryenda lang. Nagpatila. Mababasa lang. Hayun. Gastos ulit. P90 rin. Hayy! Tipid na! Hirap pa ako. Nakakainis. Di tuloy makaipon. Kasi yung ulan. Dapat uwi na lang. Ayoko ng gumastos. Paano kaya? Wala pang ipon. Wala pang bangko. Mag-open kaya ako?

Thursday, September 07, 2006

Antok

Antok pa ko. Gustong matulog. Mabigat ang mata. Higa sa kama. Hindi pwede. Nasa office. Walang kama. Wala pang revisions. Kakaantok talaga. Grabe. Surf na lang. Baka may bago. Wala rin. Sana walang pasok. Tulog muna. Kaso hindi. Kailangang magtrabaho. Kailangang kumita. Yun lang.

Wednesday, September 06, 2006

Trabaho

May trabaho na. Masaya. May ginagawa. Busy na ulit. Wala munang istorbo. Tapusin ko muna. Maya na liwaliw. Be professional. Do your work. Oo tama. Mamaya na blog. Mamaya na chat. Trabaho muna.

Tuesday, September 05, 2006

Isa pa

Sarap ng lunch. Palabok. Blueberry Cheesecake ulit. Red Ribbon kangina. Available kasi. Kaya yun ulit. Sarap talaga. Addicted na yata. Pero di pwede. Ma-calories. Magastos. Mataba. Hinay-hinay. Sa susunod na lang. Ma-satisfy lang. Minsan lang kasi. Kailangang kagad. Basta meron. Wag lang papa-addict. Baka tumaba ako. Ayoko. Tama na.

Soloista

Masayang araw. May ginagawa. Hanap ng pics. Ayus din. Revisions ng client. Gusto kong lumabas. Manood ng sine. Mamaya siguro. Sa uwian. Dyan lang WM. Ayokong lumayo. Kaso gastos ulit. Ako lang mag-isa. Walang gustong sumama. Soloista ulit. Pangrelaks lang. Mabuti na yun. Gets ko story. Walang istorbo. Lunchout kaya. Gusto ba nila? Ask ko mamaya. Baka lang. Tanong ko rin.

Monday, September 04, 2006

Blueberry Cheesecake

Patapos na trabaho. Konti na lang. Revisions lang. Nakameryenda na rin. Blueberry cheesecake. Mmm. Sarap. Ngayon lang. First time ko. Gusto ko pa. Sa susunod na lang. Mahal din. Baka di makaipon. Matikman lang. Kahit konti. Sulit na rin. Minsan lang naman. Solved na. Kahit papaano. Sana meron pa. Yung malaki na. Naglalaway tuloy ako. Sige. Tapusin ko na ito. Lapit na uwian.

Tahimik

Lunes ng umaga. Kakarating lang sa office. Nagcheck ng email. Wala. Nagcheck ng blog. Wala yatang bumabasa. Ok lang. Personal naman. Hindi kailangang ipagkalat. Sino ba ako? Simpleng nilalang lang. Hindi sikat. Buti walang nagbabasa. Walang tsismis na kumakalat. May privacy pa. Kakatuwa din. Wala ring paparazzi. Walang Christy Fermin. Walang imbestigasyon. Tahimik lang. Hindi magulo.

Saturday, September 02, 2006

Install

Sabado ngayon. Nagising ng maaga. Maganda ang panaginip. Maganda ang gising. Nagpatugtog ng radyo. Ay, ng CD pala. Lumabas. Nakipag-usap. Kumain ng tanghalian. Nanood ng Eat Bulaga. Nag-install ng laro. Naglaro. Nag-uninstall ng laro. Nagconnect sa internet. Nagblog. Nagbasa sa friendster. Sinisipon ako ngayon. Buwisit. Bahing ng bahing. Nakakairita. Di na nawala. Namana daw. Bakit yun pa? Sana mawala na. Mainit ngayon. Sobrang init ngayon. Pawis na ako. Ligo na mamaya. Ayokong mamaho.

Friday, September 01, 2006

...

Isang umaga. Nagising ako. Maraming iniisip. Magulo. Iba-iba. Dito na office. Nagbukas ng office. Nagbukas ng PC. Nagbukas ng aircon. Nagbukas ng YM. Nag-chat. Nagbukas ng friendster. Walang bago. Nagbukas ng email. Ganun pa rin. Nagbukas ng blog. Nag-blog. Nagbukas ng radyo. Joe d'Mango. Mamaya pa. Makikinig muna. Puro RnB. Hintay. Hintay. Hintay. Wala pa rin. Pahinga pa rin. Walang ginagawa. Blog tuloy. Hay! Isip. Isip. Isip. Sulat. Sulat. Sulat. Wala! Mamaya na!