Tuesday, October 31, 2006

Halloween

Halloween! May party? Wala! Pasyal na lang. Dyan sa Glorye. Kasama kaibigan. Palipas oras lang. Sweldo na rin. Shopping? Di muna. Bili ng gatas. Yun lang. Nag-iipon ako.

Monday, October 30, 2006

Revision

Musta na? Heto Lunes ulit. May project pa. Wala pang details. Revisions kasi. Di ko masyado gets. Pag pinaliwanag. Gusto ko ng tapusin.

Sunday, October 29, 2006

Siesta

Walang mai-blog. Walang nangyari. Ewan kung meron. Ayoko talagang lumarga. Nakakatamad. Kulang tulog. Limang oras. Siesta na lang. Bawi na lang.

Saturday, October 28, 2006

Double Deck

Nanggaling sa Makati. Naggrocery si Mommy. Tumingin ng double-deck. Maliit na ang luma. Since grade 4 pa. Tagal na. Luma na. Kailangang magpalit. Di na kami kasya. May nakita naman. Ok lang. Sa December bibilhin.

Friday, October 27, 2006

Internet Load

Bukas Sabado. Sa bahay. Hmm. Walang magawa. Laro lang. Walang internet load. Ayoko pang bumili. Tinatamad pa ako. Wala ring pera. Saka na. Sa sweldo na. NWN na lang. Masaya naman. Laro sa aso.

Thursday, October 26, 2006

Milagro

May project ulit. Kulit ng client. Papagawa ng milagro. Hindi naman ako magician. Hindi naman ako diyos. Ano ba tingin niya? Siya kaya gumawa. Hindi madali ang booth. Hello!? Ilang oras lang? Hilo ba siya? Hay! Hibang na ata. Hindi yun mabilis!

Wednesday, October 25, 2006

Studies

Sa wakas. Natapos din. Daming studies. Kakapagod. Duguan ang utak. Grabe. Sana walang revisions. Bukas na lang. Please! Ewan ko ba? Basta bukas na lang. Naguguluhan na ako.

Monday, October 23, 2006

Sipon ulit

May sipon ulit. Nakakainis. Dami pa kong trabaho. Sagabal na sipon. Singhot dito. Bahing doon. Di ko kaya. Nakakairita. Bili nga ng gamot. Ayoko nito. Gusto kong magtrabaho!

Sunday, October 22, 2006

Chichiria

Tapos na weekend. Walang magawa. Walang makain. Gutom na ko. Ano kaya? Bili na lang. Chichiria. Ano kaya? Mr.Chips? Nova? Piattos? E-aji? Tingin na lang. Baka may masarap.

Saturday, October 21, 2006

Bahay lang

Another weekend. Bahay na lang. Ayokong gumastos. Mahirap ang buhay. Tagal pa ng sweldo. Kailangang magtiis. Tiyaga lang. Ganun talaga.

Friday, October 20, 2006

Busy

Busy. Sobra. Singit lang ito. Makapagblog lang. Mabilis lang. Promise. Wala namang sasabihin. Sige na. Mamaya na lang. Ok?

Thursday, October 19, 2006

Tama na!

Gabi na naman. Gusto ko ng matulog. Pero heto. Nasa computer pa rin. Tama na. Pwede ba? Bukas na lang. Computer ulit. Di pa ba sawa? Medyo. Ok lang. Dito ako kumikita. Heto trabaho ko. Heto karir ko. Sa harap ng computer. Ah basta tama na. Pahinga na. Tulog na. Ano ba!?

Fastfood

Ano ba? Wala lang. Blangko. Walang project. Bloghopping muna. Shopping mamaya? Di na. Nagtitipid nga eh. Kulit! Lunchout? Ayoko rin. Kung walang kasabay? Malamang. Saan naman kaya? Red Ribbon? Jollibee? Chowking? Waah! Kakasawa na. Paulit-ulit!

Wednesday, October 18, 2006

Project

Yipee! May project na. Calendar. Ok lang. Simple lang naman. Hindi matrabaho. May gagawin na ako. Itutuloy ko na. Mamaya na blog. Work!

Tuesday, October 17, 2006

Collar

Yey. Bagong collar ng aso. Nabili sa Handyman. Kaninang tanghali. Bago bumalik ng office. Bagay sa aso. Macho. Lufet! Akala mo K-9. Asteeg! Pati tali. Maganda rin. Di na nakakahiya. Pwede nang ilarga.

Pawisin

Oh my! Grabe. Pawisin talaga. Naglock lang ng gate. Heto pawis na. Sobra. Basa na damit. Tapat sa fan. Pahangin. Patuyo. Init kasi. Tapos t-shirt lang. Halata. Nasa office na. Dito nagpapalamig. Ayus na. Lakas ng fan. Industrial. Weee!

Monday, October 16, 2006

ATM

Waah! Layo pa sweldo. Mag-iipon na. Magtatabi na ng pera. Pinahiram ng ATM. Kaya deposit ako. Maya konti. Maaga pa. Sarado pa WM. Mga 10am. Bili ding meryenda. Meryenda kagad? Bakit ba!? Para di na isipin.

Saturday, October 14, 2006

Ginataan

Walang magawa. Dito lang bahay. Yokong lumabas. Magastos. Gusto kong magtipid. May meryenda. Ginataan. Sarap. Mainit pa. Yummy. Tinatakam na ako. Kainin ko na nga. Para mabusog.

Friday, October 13, 2006

Dialtone

Yey! Sweldo na! Pero teka. Report muna. Walang dialtone sa bahay. Bwisit! Busy naman. Maya na ulit. Heto blog ulit. Palipas ng oras. Maya tawagan ko. Para maayos na. Para makapag-internet sa bahay. Magamit na ang phone. Baka may tawag.

Thursday, October 12, 2006

Hintay

Walang project. Walang revision. Puro blog ako. Nakakahiya na minsan. Kaysa mabagot ako. Pampalipas oras lang. Surf muna ako. Wala pang maisip. Blangko pa. Wait lang ako. May darating din. Mahaba pa ang araw.

Wednesday, October 11, 2006

Napanood na

Sa wakas. Napanood din. Lufet. Ayos. Sobra. Mind-blowing. Ang galing. Mahaba nga lang. Pero maganda talaga. Kakaiba. Sarap panoorin. Galing ng mga artista. Effective sila. Wait sa DVD. Panoorin ko ulit.

Tuesday, October 10, 2006

Departed

Tuesday na. Gusto kong manood. The Departed. Di pa napanood. Nag-IMAX kasi. Ako lang kaya? O may kasama? Glorietta? O Walter Mart? San kaya? Hay! Mahaba pa oras. Maya na pag-isipan. Bahala na ulit.

Monday, October 09, 2006

IMAX

Pahabol lang. Kahapon. Nanood kami sa IMAX. Ant Bully. Lufet. Kakaibang experience. Saya. Laki ng room. Taas ng kisame. Syempre. Sinehan kaya. Ah Basta. Kakaiba. Lumalapit sila. 3D talaga. Mahal nga lang. P300. Magastos.

Fashionista

Isang umaga. Nagising. Medyo late. Wala pang tao. Ako pa lang. Wala pang project. Surf muna. Blog muna. Fashionista ngayon. Ayus. Pormado. Wala namang pinopormahan. Ewan ko ba. Fashion's sake lang. Cool nga eh. Like it. Sobra!

Saturday, October 07, 2006

Gagawin

Walang magawa. Walang nagtetext. Dito lang bahay. Gusto ko manood. Walang kasama. Baka bukas na lang. Ano kaya gagawin? Matulog? Pahinga na lang. Labas konti. Usap sa labas. Makitsismis. Makibalita. Makipagkwento. Makipagkulitan. Mahaba pa ang araw.

Friday, October 06, 2006

Sine

Yehey. Weekend na. May magandang palabas. The Departed. Critically acclaimed. Gusto kong manood. Bukas kaya? O sa Linggo? Di ko alam. Hanap ng kasama. Sino kaya? Bahala na. Basta dapat mapanood!

Thursday, October 05, 2006

Nakuha na

May sweldo na. Sa wakas. Nakuha na. May pera na ulit. Pero iwas gastos. Kailangang magtipid. Kailangang mag-ipon. Ano ba bibilhin ko? FHM. Gatas. Facial Scrub. Facial Cleanser. Yun lang muna. Dami pa rin. Ah basta. Yun lang. Bahala na si Batman!

Wala pa

Thursday na. Wala pang sweldo. Di pa nakukuha. Last money ko na. Di na kaya. Sana dumating. Sana makuha na. Wala na talaga. Naghihingalo na. Dumudugo na. Ang hirap. Kailangang magtiis. Kailangang magtipid. Nakakaawa na kami. Mamamalimos na lang. Wah! Sana makuha na.

Wednesday, October 04, 2006

Binaha

Miyerkules na. Wala pang sweldo. Di pa naibigay. Binaha kasi mga boss. Dun sa Antipolo. Di tuloy nakapasok. Baka mamaya. Sana naman. Pero kawawa sila. Taas ng baha. Hanggang leeg. Lalim. Basa mga gamit. Pati appliances. Haay!

Tuesday, October 03, 2006

Naiwan

Wala pang sweldo. Ubos na pera. May naitabi naman. Surviving pa. Nakakainis! Naiwan ang cellphone. May tumawag kaya? Nagtext? Wala naman siguro. Wala namang nagmamahal. May nakaalala kaya? May nagforward kaya? Gusto ko ng umuwi. Gusto kong kunin. Hindi naman pwede. May trabaho pa. Back to work na!

Monday, October 02, 2006

Aftermath

Tapos na bagyo. Tapos na blackout. Nasa office na. Balik trabaho na. Balik sa dating buhay. Balik na sa office. Di nakuha ang sweldo. Baka mamaya. Grabe. Daming nasira. Daming perwisyo. Pasakit sa buhay. Hindi masaya!